Past Harana Chapters:
Harana Chapter 10: Love Yourself
Ilang buwan din ang nakalipas ng kilig, tampuhan at pagpapadama ng kanilang pagmamahalan. Kaya tuwing nakakasama ni Ash si Trey ay ibang kilig ang kanyang nararamdaman. Kilig na ngayon lamang n’ya naramdaman sa buong buhay n’ya.
“Dalawang buwan na tayo, pero parang kada araw ay parang unang araw na nakasama kita at narinig sa’yo ang salitang I Love You,” ani Ash.
“I won’t get tired of loving and saying these words to you, Ash. I love you!” sambit ni Trey habang aakma ng isang nakaw na halik.
“By the way baby boy, we will be performing again next week. Hope to see you there.”
“Oo naman, wala pa naman akong na-miss na gig mo di ba?”.
“Yeah, but sometimes I feel you just want to go there because I wanted you to be there,” kunwaring pagtatampo ni Trey.
“Minsan kasi baby nararamdaman ko na habang sumisikat ka… Hmmmm….dumadami ang gustong magpakuha sa’yo ng litrato, at mga babae at lalake na tumitili sayo. Minsan eh...syempre, naiinis din ako,” nahihiyang paghinga ng saloobin ni Ash.
“Nagseselos ba ang baby ko?” paglalambing ng binata sa kasintahan.
“Hindi ako nagseselos noh! Nagtataka lang ako, tinatanong ko ang sarili ko kung tama ba ito or okay lang na itago natin ‘to,” hindi mawari ang mukha ni Ash habang sinasambit ang mga salita.
“Baby, pasensya ka na ha. Sana naiintindihan mo kung bakit kailangan muna nating itago ito,” sabi ni Trey habang hinahanap sa kanyang isipan ang mga susunod na salitang sasabihin. “Hmmmm....Hindi pa kasi ako handa. Hindi ko pa alam kung ano ang dapat kong gawin at sabihin,” napabuntong-hininga na lang si Trey pagkatapos bitawan ang mga salita.
“Naintindihan kita Trey. Naguguluhan lang din ako. Pero ang importante naman sa akin ay ikaw Trey,” pagbibigay suporta ni Ash.
Napapaisip at nalilito pa rin si Trey paminsan-minsan sa kung ano ba talaga s’ya. Pero isa lamang ang alam n’ya ngayon, mahal na mahal n’ya si Ash.
“Mahal kita, Trey,” lalong pagbigay ni Ash ng assurance sa minamahal.
“I love you too, Ash!”
~~~
Halos isang linggo na buhat nang matapos ang huling gig ni Trey. Ngunit sa isang linggong ito ay pabalik-balik ang trangkasong nararamdaman ni Ash. Labis namang ikinabahala ni Ash ang mga nararamdaman n’yang sakit.
Tumawag si Ceres upang kumustahin ang kaibigan. “Hey, Ash! How are you? Kamusta?”
“Okay naman ako Ceres. I feel better now.”
“Nako Ash, you better be careful ha. Drink a lot of water. Also, get yourself checked. Baka hindi na simpleng trangkaso yan. You know, uso Dengue, or baka naman HIV na yan.”
“Saglit, ano?!! HIV?!! Ikaw talaga Ceres kung anu-anong pinagsasasabi mo.”
“Just kidding about HIV though. But seriously, go to the doctor na ha, if you’re still not feeling better. Okay?”
“Yes, pupunta na ako sa doctor kung hindi pa ako gumaling. Thanks Ceres.”
Pagkababa ni Ash ng telelpono ay s’ya namang simula ng pagkagambala at pagkatuliro niya. Dahil ito sa pagkakarinig n’ya ng salitang HIV. Hindi n’ya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Maraming pumasok sa isip n’ya -- takot, pangamba, galit at pagsisisi sa sarili, with the thought of the what ifs of having HIV.
“Paano kung may'ron nga akong HIV? Ano kayang gagawin ko? Anong sasabihin nila sa akin? Anong gagawin ni Trey? Saan ko naman ‘to makukuha?” ang blankong mga tanong ni Ash sa sarili.

















